ads

Sunday, April 24, 2011

15 MUST-KNOW FACTS ABOUT BOYS.

  1. Madali kaming mag-selos - Hindi naman nawawala sa lalaki ang mabilis na pagseselos. Hindi mawawala saming mga lalaki ang magselos.
  2. Umiiyak din kami - Madami kasing tao ang inaakalang hindi kami umiiyak kapag nagkakaroon ng away o LQ.
  3. Nauubusan din kami ng pera - Hindi purki’t kami ang labas ng labas ng pera eh, mayaman na kami at hindi kami nauubusan ng pera.
  4. Mahilig kami sa Online Game - Tanggapin nyo na, na hindi mawawala samin ang mawili sa mga online games (esp: Dota).
  5. Kapag tumahimik kami, madalas may nararamdaman kami - Nahihiya lang kaming magsalita ng hinanakit o nararamdaman namin. Pero madalas nasasaktan din naman kami, kung si Superman nga may kahinaan, pano pa kaya kami?
  6. Gusto namin na nilalambing kami -Kailangan naman nilalambing nyo kami, lalo na kapag nagkakaroon tayo ng away, hindi yung lagi nalang kami ng kami.
  7. Gusto naming pinagluluto kami -Madalas kasi kaming mag daydream kaya, iisipin namin kayo na ang FM (Future Misis) namin.
  8. Gusto naming kinakantahan kami -Lalo na kapag wala kami sa mood, na tanging boses nyo lang ang makakapagpa-kalma sa amin.
  9. Hindi pa talaga kami maliligo, kapag sinabi namin na “maliligo na ako. - Karamihan sa’ming mga lalaki ganyan. Do I need to elaborate this?
  10. Nawawala rin kami sa mood - Hindi lang babae ang pwedeng mawala sa mood, isipin nyo rin naman kaming mga lalaki. Paano nalang pala kung nireregla rin pala kami?
  11. Palabiro kami - Kaya kung may masabi man kaming hindi maganda o hindi ganoong kanais-nais pagpapasensyahan nyo naman kami.
  12. Hindi nyo mawawala sa’min ang pagka-Vain - Yung pagtingin tingin namin sa salamin o pag-aayos namin. Syempre nacoconcious din kami sa iisipin ng ibang tao sa’min.
  13. Mahilig din kaming makinig ng love songs - Kaya wag nyo namang iisipin na bakla kami dahil nakikinig kami ng love songs. Madalas yun ang nagpapakalma sa’min.
  14. May insecurities din kami -Kaya wag nyo kaagad kaming jinujudge dahil sa mga nakikita nyo sa amin. O kung napapaisip kami ng hindi maganda.
  15. Kapag inaasar namin ang mga babae madalas may gusto kami sakanya -Kaya wag kayong nagagalit kapag inaasar namin kayo.

1 comment:

  1. hindi naman lahat ng inaasar trip nila ah! minsan trip lang talaga nila mang asar...pero meron namang habang tumatagal..nafa-fall sila dun sa taong inaasar nila kaya ayun, nababalian hehehe ;))

    ReplyDelete