Isa ka ba sa mga taong sumusumpa sa Math? Galit ka din ba sa subject na iyon?
Mahal ko ang Math at masasabi kong mahal niya din ako. Graduate na kasi ako diyan sa galit kay Math. Noong una super hate-to- the-max-level ko ang Math, kasi nga ito lang ang laging panira ng card ko. Huli na nang malaman kong may potential pala ako sa subject na ito. Akala ko bobo ako sa Math pero may natatago pala akong galing. Sabihin n’yo nang mayabang ako pero ang sarap kasi ng pakiramdam na “marunong” ka sa Math. Pero siyempre hindi ako gumising isang araw na “marunong” agad-agad sa Math. Pinaghirapan ko din siya, sinasabi ko sayo…TIYAGA LANG TALAGA. Eto yung iilang tips na baka makatulong sa inyo kapag Math ang pinag-uusapan(karamihan dito based from my experience).
1. HUWAG MONG ISIPING MAHIRAP ANG MATH. Ang nangyayari kasi, wala pa yung problem iniisip mong mahirap kaya inaabsorb ng utak mo at buong katawan mo, ang nangyayari tuloy nagiging close minded ka at inaayawan mo na yung lesson. Puro ka nalang “ANG HIRAP! ANG HIRAP!”
2. Learn and MASTER the basics. Dapat mani nalang sayo mag-add, subtract, multiply at magdivide ng simpleng numbers. Sounds elementary huh? Pero believe me kasi kung hindi ka marunong sa basics, paano pa kaya yung komplikado(DUH!)? Tsaka yung operations of integers. Alam ko medyo masakit siya sa ulo pero kapag namaster mo na yung mga equation na may iba-ibang signs, magiging madali nalang yung iba pang problem.
3. Take down notes(especially yung mga example). Makinig ka sa klase. Sayang naman laway ng teacher kung hindi ka makikinig di ba? Wag mong idahilan sa akin na hindi mo maintindihan. Kung willing kang umintindi, magegets at magegets mo yan. Huwag kang mahiya magtanong. Hindi naman porket nagtanong ka eh indication nun na mahina ka, ibig sabihin lang nun willing kang matuto.
4. Siyempre hindi lang practice. CONSTANT PRACTICE. Kapag alam mong hindi mo gaano nagets yung lesson, aralin mo notes mo. Pag-aralan mo yung diniscuss tapos magpractice ka. Kuha ka ng papel, kunin mo yung problem(yung problem o question lang ha) tapos ilayo mo notebook mo sayo. Try mo kung kaya mo na ba siya isolve. Kung hindi pa, review mo ulit notes mo until makaya mo na. Sanayin mo sarili mo sa ganitong routine, sinasabi ko sayo TIYAGA LANG TALAGA.
5. As you go along the way with Math, mapapansin mo yung patterns ng Math. Pare-pareho lang naman kasi halos yung mga ginagawa sa Math(ex. basic operations) familiarize yourself with the patterns at magiging madali nalang ang mga bagay-bagay sayo.
6. Dahil mahihirap ang Math hw, siyempre kumokopya din pero make sure na magpapaturo ka dun sa kinopyahan mo. Kung hindi sa kinopyahan mo, dun sa marunong. Wag mahiyang magpaturo, kaklase man o teacher. Pero kung kaya mo na, ikaw na mismo gumawa ng assignment o homework mo. There’s no harm in trying.
7. Give time for Math. Para yang kasintahan, bigyan mo ng oras at gaganti sayo(in a good or bad way depende kung paano mo siya tinrato). Mahalin mo siya, mamahalin ka din niya.
8. Wag mo icompare ang sarili mo sa ibang tao pagdating sa Math. Ang issue ay ikaw, kung natutunan mo ba yung lesson at kung papasa ka ba? Mind yourself, not others. Kung magaling siya, eh di siya na. Kung ikaw hindi pa, eh di mag-aral at magpractice ka.
9. Hardwork, determination and commitment. Do I have to explain this?
10. Last resort na ito. Kung hindi mo talaga makuha, maghire ng tutor(yep, nagpatutor din ako sa Math dati). O kaya kausapin ang isang kaibigan na magaling sa Math tapos sa kanya ka lagi magpaturo. Last thing nga pala, yung mga willing lang matuto ang tunay na natututo.
So goodluck and may God bless you. Kaya yan! Nakaya ko nga. Ikaw pa kaya?
No comments:
Post a Comment