- “Ikaw na ako! Magpalit na tayo!”
- “Puro ka mamaya eh!”
- “Matulog ka na! Parang wala kang pasok bukas ha?!”
- “Sige! Wag kayong tumigil! Ito kutsilyo! Magsaksakan na lang kayong magkakapatid!”
- “Paano na lang kung wala na kami, Paano na kayo?!”
- “Papunta ka pa lang, pabalik na ako!”
- “Nung kabataan ko, hindi naman ako tamad! Bakit ka naging ganyan?!”
- ”Wag ka sakin magpaalam, dun ka sa Mama/Papa mo!”
- “Anak ka lang! MagulanG ako!”
- “Tumatanda ka ng paurong!”
- “Anong oras na?! Gabing gabi ka na naman umuwi!”
- “Bakit?! Nagtatae ba ako ng pera?!”
- “Noong araw, limang piso lang, ayos na kami!”
- “Puro ka gala! Puro ka barkada! Mag-aral ka nga!”
- “Saan ka na naman pupunta?”
- “Nagkakanda kuba nA ako sa kakatrabaho, tapos kayo nakahilata lang diyan!”
- “Magkaroon ka naman ng pagkukusa!”
- “Binibigay naman ang lahat ha! Ano pa bang gusto mo?!”
- “Ang tamad mo!”
- ”Ano?! Sasagot ka pa?!”
- “Hay nako! Utos ko, Sunod ko!”
- “Parang walang narinig ha?!”
- “Hindi!”
- “Ikaw ang panganay, dapat ikaw ang umintindi!”
- ”Hindi ko alam kung kanino ka nagmana!”
- “Saan ka na naman pupunta?!”
- “Kapag sinabing hindi pwede, hindi pwede!”
http://tumblrrmokong.tumblr.com/post/42268371001/famous-magulang-lines#.UQ-TMKKNnAM
No comments:
Post a Comment